

PAUSE MUNA PEACE MUNA
KAILANGAN NG BREAK NG KALULUWA
Maiiksing break bawa't oras, kay laki ng magagawa para maging panatag ang sarili, malinaw at magaan ang isipan. Simulan sa paggising sa umaga, magpatuloy sa bawa't oras. Anong gagawin? Pumili ng mga halimbawa dito, dahan-dahang basahin sa sarili. Namnamin ang mga kataga, higit sa lahat ang kanilang kahulugan.
​
Manatiling matahimik, ngunit bantayan kung saan napupunta ang isipan. Ibalik sa kagandahan, kapayapaan o kung ano mang kabutihan ang gusto mo. Ang mabuting dulot ng pag-po-pause, mararanasan sa oras na pangangailangan.
![]() Good morning | ![]() Pause at ngumiti | ![]() Naguguluhan? Pause. |
---|---|---|
![]() Challenged? Overwhelmed? | ![]() Panalo ka kapag nag-pause | ![]() Slow down |
![]() Sino nga ba ako? | ![]() Bago matulog |
Kapag masyado ng hectic ang utak,
makinig muna ng nakakatuwang kanta.
Ang patuloy na nagsisikap, nakikinabang nang labis. Gawing hilig magbasa, manood, o makining ng mga kapupulutan ng magagandang aral. Dito palang sa website na ito, marami na kayong mapupulot na positive thoughts na makakatulong sa inyo sa oras ng inyong break. Kahit isang minuto ng maiksing meditation ay may malaking maitutulong.