top of page

PAUSE MUNA PEACE MUNA

KAILANGAN NG BREAK NG KALULUWA

Maiiksing break bawa't oras, kay laki ng magagawa para maging panatag ang sarili, malinaw at magaan ang isipan. Simulan sa paggising sa umaga, magpatuloy sa bawa't oras. Anong gagawin? Pumili ng mga halimbawa dito, dahan-dahang basahin sa sarili. Namnamin ang mga kataga, higit sa lahat ang kanilang kahulugan.

Manatiling matahimik, ngunit bantayan kung saan napupunta ang isipan. Ibalik sa kagandahan, kapayapaan o kung ano mang kabutihan ang gusto mo. Ang mabuting dulot ng pag-po-pause, mararanasan sa oras na pangangailangan.

Kapag masyado ng hectic ang utak, 

makinig muna ng nakakatuwang kanta.

Pause Muna Peace Muna - Composed by Top Suzara & Georgina Angsanto
00:0000:00

Ang patuloy na nagsisikap, nakikinabang nang labis.  Gawing hilig magbasa, manood, o makining ng mga kapupulutan ng magagandang aral.  Dito palang sa website na ito, marami na kayong mapupulot na positive thoughts na makakatulong sa inyo sa oras ng inyong break. Kahit isang minuto ng maiksing meditation ay may malaking maitutulong.

bottom of page